𝗧𝗪𝗢-𝗪𝗔𝗬 𝗧𝗥𝗔𝗙𝗙𝗜𝗖 𝗦𝗖𝗛𝗘𝗠𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗘𝗟𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗦𝗧. 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Matapos ang mahigit dalawang buwang pagpapatupad ng one-way traffic scheme sa bahagi ng Arellano St. sa Dagupan City, bubuksan na muli ang isa pa nitong kalsada mga motorista.
Inanunsyo ng alkalde ng Dagupan City na simula ika-15 ng Disyembre bubuksan o ipatutupad na sa mga motorista ang isa pang bahagi ng kalsada kung saan magiging two-way traffic na o ibabalik na sa dalawang daan.
Ito ay matapos masemento ang isinarang bahagi ng kalsada para sa pagsasaayos nito kung saan matatandaang ipinatupad ang one-way traffic scheme noong ika-8 ng Oktubre.

Matatandaan din na hiniling ng DPWH sa LGU Dagupan na gawin munang one-way upang bigyang daan ang pagsasaayos ng kalsada para solusyunan ang problemang baha sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments