Thursday, February 12, 2026

𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗥𝗙𝗢𝟮 𝗔𝗧 𝗟𝗚𝗨 𝗦𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗕𝗟𝗢, 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗧𝗜𝗕𝗔𝗬𝗜𝗡

Cauayan City – Pinalalakas ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) at ng Lokal na Pamahalaan ng San Pablo ang kanilang ugnayan sa pamamagitan ng patuloy na pagpapatupad ng iba’t ibang programa.

Pinangunahan ni Regional Director Lucia Suyu-Alan ang pagpupulong kung saan tinalakay ang pagpapahusay ng koordinasyon upang matiyak ang malinaw at mabilis na paghahatid ng serbisyong panlipunan sa mga indibidwal at pamilyang nangangailangan.

Kasama rin sa napag-usapan ang mga update sa kasalukuyang programa, mahahalagang isyu sa implementasyon, at mga hakbang upang matugunan ang mga umuusbong na hamon.

Binigyang-diin ni Regional Director Alan ang kahalagahan ng matibay na pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang mapanatili ang epektibong social protection programs para sa kapakinabangan ng komunidad.

Sa huli, muling pinagtibay ng DSWD FO2 at LGU San Pablo ang kanilang iisang layunin na mapanatili ang matatag na ugnayan tungo sa mas pinaigting na kapakanan at kaunlaran ng kanilang mga nasasakupan.

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments