Wednesday, February 18, 2026

‎𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗘Ñ𝗢 𝗡𝗔 𝗔𝗦𝗘𝗔𝗡 𝗔𝗥𝗖𝗛𝗜𝗧𝗘𝗖𝗧, 𝗧𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬


‎Cauayan City – Kinilala si Architect Tristan James A. Flores, bilang ASEAN Architect, kauna-unahang Isabeleño na tumanggap ng ganitong pagkilala.

‎Ipinanganak at lumaki sa Cauayan City, nakilala siya sa larangan ng architecture, lalo na sa disenyo ng ospital at iba pang medical facilities.

‎Mliban dito, higit 14 taon na rin niyang itinataguyod ang mataas na pamantayan sa healthcare architecture at nagsasama ng sustainable at green building solutions sa kanyang mga proyekto sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

‎Aktibo rin si Architect Flores sa Philippine Green Building Initiative (PGBI) at kasalukuyang Regional District Director ng The United Architects of the Philippines (UAP) District A1B, na nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa responsableng arkitektura at kapaligiran.

‎Sa kabila ng tagumpay sa propesyon, nakatuon siya sa pamilya bilang responsableng asawa at ama ng tatlong anak na babae.

Photo credit: Local Government of Cauayan

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments