
Cauayan City – Isang malaking karangalan para sa Quirino ang tagumpay ni Natajcia Mira Quindica (pronounciation: Nah-TAH-shah MEE-rah Kin-DEE-kah) ng Cabarroguis matapos niyang maipasa ang 2026 Philippine Academy of Microbiology (PAM) Certification Examination for Registered Microbiologist.
โItinuturing siyang kauna-unahang pumasa sa nasabing pagsusulit mula sa lalawigan at kabilang sa 332 na bagong rehistradong microbiologist sa bansa ngayong taon.
โNagtapos si Quindica bilang Highest Honors sa Quirino General High School at kumuha ng kursong Bachelor of Science in Biology sa University of the Philippines Baguio noong 2025.
โAktibo rin siya sa mga organisasyon kung saan humawak siya ng ibaโt ibang posisyong pamunuan.
โSa kabila ng kanyang tagumpay, layunin pa rin niyang maabot ang pangarap na maging isang doktor at magsilbing inspirasyon sa mga kabataang nais magtagumpay sa kanilang napiling larangan.










