Kinumpirma ni Dagupan City Health Officer Ophelia Rivera ang unang kaso ng hinihinalang pertussis sa lungsod. Naitala sa naturang pumanaw na pasyente ang mga sintomas tulad ng ubo, sipon at lagnat.
Kaugnay nito, isa pang bata sa lungsod ang naitalang pumanaw sa sakit na diptheria matapos nitong taglayin ang mga sintomas ng sakit.
Ayon sa departamento ng kalusugan, nagsimula na silang mag-ikot sa mga barangay upang magturok ng libreng bakuna sa mga sanggol at bata.
Hinihikayat ng City Health Office ang pamunuan ng bawat barangay sa lungsod na dalhin sa mga health centers ang mga batang hindi pa naturukan ng bakuna upang magkaroon ng active immunity. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments