𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗕𝗘𝗥𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗘𝗡𝗢𝗥𝗘 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗟𝗜𝗖𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗧. 𝗗𝗢𝗠𝗜𝗡𝗜𝗖 𝗗𝗘 𝗚𝗨𝗭𝗠𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗗𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Isang taon na ng ideklara ang simbahan ng St. Dominic De Guzman Parish sa lungsod ng San Carlos bilang ikalawang Minore Basilica sa Pangasinan.

Matatandaan na noong ika- 14 ng Enero taong 2023 nang pormal na idineklara ni Pope Francis sa pamamagitan ng isang makasaysayang misa na Solemn Liturgical Declaration ng simbahan at pinangunahan ng Papal Apostolic Nuncio ng Vatican City na si Archbishop Charles John Brown, Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, Master of the Order of Preachers Reverend Fr. Gerard Francisco Timoner III , Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Auxiliary Bishop Reverend Fr. Fidelis Layog.

Iba’t ibang aktibidad ang isinagawa gaya ng misa, Youth Jam at Cultural-Historical Show Presentation bilang tanda ng pagpapahalaga at pagpupugay sa patron ng Lungsod maging ng kasaysayan nito sa unang taon nitong anibersaryo.

Samantala, ang simbahang ito ang ikalawang Menore Basilica sa Probinsiya kung saan iginagawad ang Menore Basilica sa isang simbahan dahil makasaysayan ang pagkakaroon ng milagro nito sa mga deboto.

Ang pagsisimba sa Minor Basilica ay katumbas ng biyaya na natatanggap mula sa Vatican City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments