𝗨𝗑𝗔 π—žπ—” π——π—œπ—§π—’ 𝗖𝗔π—₯𝗔𝗩𝗔𝗑, π—šπ—œπ—‘π—”π—‘π—”π—£ 𝗦𝗔 𝗕π—₯π—šπ—¬. π—šπ—¨π—”π—¬π—”π—•π—”π—Ÿ

Cauayan City- Ginanap ang Una Ka Dito Caravan, City Hall on Wheels 2024 noong Sabado ika-24 ng Pebrero sa Brgy. Guayabal, Cauayan City, Isabela.

Layunin ng naturang caravan na magbigay serbisyo sa mga mamamayan katulad ng libreng pagamot at gamot, libreng legal services, libreng pa-dentista, libreng gupit, seedlings at marami pang iba.

Ang mga benepisyaryong nakatanggap ng mga serbisyo ay mula sa Brgy. Baringin Norte, Baringin Sur, Duminit, Daburab, Gagabutan at Guayabal.


Samantala, nagpasalamat naman si Mayor JC Dy sa mga barangay officials na pinangunahan ni Kapitana Daisy Marribay ang pagdalo at kaagapay sa paghatid ng serbisyo sa mga residente.

Facebook Comments