Hindi na bumibiyahe ngayon ang mga unconsolidated jeepneys sa lalawigan ng Pangasinan, makaraang matapos ang 15-day grace period na ibinigay ng LTFRB, hanggang 15 ng Mayo.
Ayon sa One Pangasinan Transport Federation, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa 37 jeepneys na unconsolidated sa eastern Pangasinan, pagtataya nila ay hindi na umano interesado ang mga ito sa nasabing programa.
Samantala, hindi naman umano apektado ang sektor ng transportasyon sa lalawigan dahil halos lahat naman ay nakapag consolidate na, gayundin ay mayroon ding alternatibong sasakyan ang ilang mga komyuter.
Sa Pangasinan, 99% consolidated ang mga jeepneys, samantalang aabot naman sa mahigit 200 na jeepney ang hindi nakapag consolidate sa kalakhang Ilocos Region. |πππ’π£ππ¬π¨