Patuloy na isinusulong ng Department of Health (DOH) – Ilocos Center for Health and Development ang pagbabakuna sa mga bata sa rehiyon upang malabanan ang mga sakit na vaccine preventable diseases.
Alinsunod dito, kailan lamang ay inilunsad sa lalawigan ng Pangasinan ang Every day is Bakuna Day na may layong mapataas ang immunization coverage sa pamamagitan ng isasagawang araw-araw na bakunahan sa mga primary health care facilities at makapagbigay-kamalayan sa kahalagahan ng pagpapabakuna ng mga bata.
Kaisa rin ang pamunuan sa 2024 World Immunization Week simula ngayong April 24 hanggang 30 ngayong taon sa paghimok sa mga magulang na i-avail ang mga kinakailangan at nararapat na bakuna para sa mga bata’t kabataan.
Tiniyak ng DOH na ang mga bakuna na inilalaan para sa mga bata ay ligtas at mabisa, at makatutulong upang makaiwas ang mga ito sa mga sakit tulad ng Tigdas, Pertussis, Hepatitis B, Tigdas Hangin, Diphtheria, Tetanus, Pulmonia, Meningitis, at Polio. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨