Isa na namang Pangasinense ang hinahangaan ngayon sa larangan ng pagpipinta.
Si Janice Orara, tubong Bani,Pangasinan ay hinahangaan sa kaniyang kahusayan sa Pointillism artworks.
Bida ang kaniyang artwork na “Bani: Ang simula at bakas ng Nagdaan” na isa sa kanyang espesyal na obra dahil sa historical presentation ng bayan ng kaniyang sinilangan.
Ayon kay Orara, nature-inspired at Filipino identity ang makikita sa kaniyang mga Obra.
Tampok ngayon ang kanyang mga obra sa Pugad Art sa Baguio city at Manila.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments