Ayon sa pagbisita ni Vergeire nitong lunes sa lalawigan ng La Union, aniya, tututukan nila ang mga marginalized sektor sa lipunan tulad ng mga indigenous people (IPs) at mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa kalakhang rehiyon.
Sa layunin ng kagawaran na ipaabot ang tulong medikal sa nasabing sektor, hindi niya diumano isasara ang mga karapatan na mayroon ang mga ito, bagkus palalawigin pa nila diumano ang pagbibigay impormasyon ukol sa mga medikal na karapatan ng mga IPs at PDLs.
Ipinahayag din ni Vergeire ang kanyang mga naging obserbasyon ukol sa kakulangan ng kaalaman at monitoring sa mga IPs sa kanilang kalusugan. Gayundin, sa mga PDL, tila hindi raw diumano umaayon ang mga pasilidad nito. Ito diumano ang kanilang mga kailangang solusyunan.
Samantala, patuloy ang panghihikayat ng kagawaran sa mga healthcare workers na ipaabot ang mga karampatang medikal na atensyon sa bawat IPs at PDLs batay na rin sa umiiral na Universal Healthcare Law. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨