Isang magandang halimbawa ng katapatan ang ipinakita ng isang pulis sa Asingan matapos isauli ang isang nawawalang wallet na naglalaman ng 28,000.
Natagpuan ni Police Executive Master Sergeant Richard D. Matias na nakadestino sa Asingan Municipal Police Station ang wallet sa Barangay Dupac sa bayan habang nagpapatrolya.
Agad nitong ipinagbigay-alam sa kanyang mga kasamahan ang napulot na wallet at agad na hinanap ang may-ari.
Sa tulong ng mga personal na detalye sa loob ng wallet, kabilang ang ID agad na kinontak nito ang may-ari.
Ang may-ari ng wallet ay si Michael Estabillo, residente na mula pa sa Victoria, Tarlac.
Labis naman ang pasasalamat nito sa pulis dahil hindi ito nagdalawang isip na ibalik ang wallet Niya.
Ang katapatan at integridad ni PEMs Matias ay hinahangaan ngayon at nagsisilbing magandang halimbawa sa hanay ng kapulisan. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ