Binabantayan ngayon ang walong bayan sa lalawigan ng La Union matapos makapagtala ng kaso ng African Swine Fever o ASF.
Ayon sa Department of Agriculture, mula sa limampu’t tatlong barangay ang apektado ng sakit na mula sa mga bayan Balaoan, Luna, Bangar, Bacnotan, Santol, San Juan, Rosario, at San Fernando City na nasa ilalim ng red buffer zone.
Dahil dito, apektado ang aabot sa 344 na hog raisers kung saan pumalo na ng 2,460 na baboy ang sumailalim sa culling operation.
Paalala ng DA, na bagamat hindi maaapektuhan ang tao ay posible naman itong maging carrier ng nasabing sakit ng mga hayop. Gayundin, ipinagbabawal ang pagtransport ng mga baboy papasok at palabas ng probinsya
Samantala, mag-aabot naman ng tulong ang ahensya sa mga apektadong hog raisers na nakatakdang tumanggap ng indemnification na nagkakahalaga ng 4,000-12,000 pesos depende sa danyos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨