𝗪𝗔𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗞𝗜𝗧𝗦

Cauayan City – Nakatanggap ng livelihood kits mula Department of Labor and Employment ang walong manggagawang PWD, PDL, Solo Parents, at skilled workers mula sa Nueva Vizcaya.

Ang ipinamahaging pangkabuhayan kits ay mula sa DOLE Integrated Livelihood Program, kung saan bawat livelihood kits ay nagkakahalaga ng P24,000.

Ang kits na ito ay binubuo ng mga kagamitan para sa baking services, food processing, snack and frozen food vending, sari-sari store at bigasan na kanilang magagamit bilang panimulang negosyo.


Lubos namang nagpasalamat ang mga benipesyaryo sa tulong na ipinagkaloob sa kanila dahil magkakaroon na ang mga ito ng karagdagang mapagkukunan ng kita na kanilang magagamit sa pang araw-araw na gastusin.

Facebook Comments