Magagamit na ang warehouse ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office sa Sitio Sapacat, Brgy. Poblacion matapos itong buksan sa publiko kasabay ng National Disaster Resilience Month.
Magsisilbi umano itong “central hub” kung saan Ilalagay ang kakailanganing kagamitan ng mga apektadong indibidwal sa panahon ng sakuna gaya ng pagkain, damit, tubig, toiletries at iba pa.
Sa inagurasyon ng warehouse pinagkalooban din ito ng Office of the Civil Defense ng inflatable boat, generator sets, reflectorized vest at marami pang iba. Maari din gamitin anh warehouse bilang evacuation center na mayroong anim na libong kapasidad.
Layunin ng pagtatayo nito na maipaabot ang mabilis na pagresponde sa mga pangasinense sa panahon ng sakuna.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments