𝗪𝗛𝗢𝗟𝗘𝗦𝗔𝗟𝗘𝗥 𝗦𝗧𝗔𝗟𝗟𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗬𝗦𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗥𝗞𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Tuloy-tuloy na ang pagsasagawa ng isa sa kalulunsad lamang na proyekto ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na Wholesaler Stalls kung saan nasa pitumput dalawang unit ng wholesaler stalls ang itatayo sa bahagi ng Magsaysay Fish Market.

Kasalukuyan na itong nasa construction process at naumpisahan nang lagyan ng mga materyales para sa stalls na mapagpe-pwestuhan ng mga fish vendors.

Ang mga fish vendors naman, inaabangan na ang pagtatapos at resulta ng magiging kanilang bagong mga pwesto dahil aminado rin ang mga ito na nahihirapan sila sa pagbebenta dahil sa walang matinong pwesto sa naturang palengke.

Una na rin na binigyang linaw ng alkalde ng lungsod na tanging fish vendors na residente lamang ng lungsod ang maaaring makinabang sa naturang mga stalls at hindi maaaring rentahan ng mga negosyante mula sa ibang bayan.

Samantala, ang naturang proyekto ay kasama sa 2023 annual budget ng lungsod para maisakatuparan ito at mapakinabangan ng mga Dagupeño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments