𝗪𝗥𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗟𝗔𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗢𝗡𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗡𝗜 𝗦𝗣𝗘𝗔𝗞𝗘𝗥 𝗘𝗨𝗚𝗘𝗡𝗜𝗢 𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 𝗦𝗥., 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗘𝗪 𝗬𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡

Inaalala ang malaking kontribusyon ni Dating House Speaker Eugenio Perez Sr. sa pagiging chartered city ng Dagupan sa pamamagitan ng wreath laying sa monumento nito na matatagpuan sa Brgy. Herrero.

Dinaluhan ni Dating Pangasinan 4th District Congresswoman Gina De Venecia ang naturang aktibidad at kanyang ibinahagi ang naging karera panunungkulan ni Late Speaker Eugenio Perez Sr. mula sa pagiging huling speaker sa Commonwealth Period at kauna-unahang speaker sa Republika ng Pilipinas.

Parehong sumang-ayon ang dating congresswoman at si Mayor Belen Fernandez na sa pagiging may-akda ni Speaker Perez Sr. ay naging ganap na lungsod ang Dagupan noong 1947.

Ngayong araw ay ginugunita ang ika-77 Agew na Dagupan at kasabay nito ay mga serbisyo na inilatag ng Pamahalaang Panlungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments