𝗭𝗘𝗥𝗢 𝗕𝗔𝗖𝗞𝗟𝗢𝗚𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗟𝗜𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔, 𝗣𝗟𝗔𝗞𝗔, 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗟𝗧𝗢

CAUAYAN CITY – Kumpyansa ang Land Transportation Office (LTO) na wala na silang maiiwang backlogs ng mga lisensya at plaka hanggang sa buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.

Ito’y matapos na magbaba ng direktiba si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang pag-isyu ng mga licensed cards.

Ayon naman sa ahensya, wala nang dahilan upang madelay pa sapagakat nakapag bid out na ang Department of Transportation (DOTr) at LTO ng humigit kumulang 9.7 milyong license cards para sa taong 2024.


Samantala, maaari na umanong kunin ng mga motoristang may hawak na temporary license ang kanilang plastic license cards.

Facebook Comments