CAUAYAN CITY- Nakatakadang ganapin ang 2nd International Smart City Exposition and Networking Engagement sa ika-11 hanggang ika-13 ng Abril sa Isabela Convention Center sa Lungsod ng Cauayan.
Ang programa ay inisyatiba ng Department of Science and Technology at pakikipagtulungan ng Lungsod ng Cauayan at Isabela State University kung saan may temang Synergy Unleashed: Becoming Smart Cities Through Strategic Partnerships”.
Layunin ng programa na pag-isahin ang mga local chief executives, government leaders, industries at business players para sa knowledge sharing, networking at capacity building kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng partnership para sa mas malago at maunlad na komunidad.
Tampok naman sa programa ang smarter technologies exhibition, business matching, leader’s forum, speaker’s session, at mayor’s night.