Mahigpit na ipinatutupad ngayon sa bayan ng Villasis, Pangasinan ang pagbabawal sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa bayan.
Ito ay matapos aprubuhan ng alkalde ang Executive Order No. 17-0809 series of 2024.
Sa pag-iral nito, bawal ang pagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar tulad ng palengke, eskwelahan, simbahan, ospital at sa mga pampasaherong sasakyan.
Saklaw pa ng ordinansa ang pagbabawal sa pagbenta ng sigarilyo sa mga menor de edad o labingwalong taong gulang pababa.
Samantala, hindi rin pinahihintulutan ang pagbenta ng vape at e-cigarettes products sa loob ng 100 metro mula sa mga natukoy na pampublikong lugar. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments