𝟏 𝐂𝐓𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐎𝐑𝐓𝐄𝐑, 𝟏 𝐅𝐎𝐑𝐌𝐄𝐑 𝐑𝐄𝐁𝐄𝐋, 𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊-𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐀𝐍

Cauayan City – Boluntaryong sumuko sa kamay ng mga awtoridad ang isang CTG Supporter, at isang miyembro ng New People’s Army na pawang mula sa lalawigan ng Isabela.

Ang dalawang sumuko ay kinilalang sina alyas “Romeo” 52 anyos, at residente ng San Mariano, Isabela, at si Alyas “Reggie”, 62 anyos, tubong Quirino, Isabela.

Taong 2018 ng ma-recruit umano ng grupo ng mga rebelde si Alyas “Romeo” kung saan sumailalim ito sa iba’t-ibang uri ng pagsasanay bilang paghahanda sa pakikipaglaban sa pamahaalan, ngunit taong 2019 ay napagpasyahan nitong kumalas sa grupo at magpakalayu-layo upang magbagong buhay.


Samantala, layunin naman ng pagsuko ni Alyas “Regie” na linisin ang kanyang pangalan ay patunayan na hindi na siya kabilang sa counter terrorist group.

Bukod sa kanilang boluntaryong pagsuko, isinuko rin ni Alyas “Romeo” ang isang unit ng improvised Shotgun sa mga awtoridad.

Facebook Comments