𝟭𝟬 𝗠𝗦𝗠𝗘𝘀, 𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗠𝗣𝗢𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟 𝗘𝗫𝗣𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗦𝗔𝗬

Nasa sampung micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Pangasinan ang makikiisa sa International Food Exhibition (IFEX) Philippines 2024 mula May 10 hanggang May 12.

Tampok ang iba’t-ibang produktong Pangasinan, makikipagsabayan sa abot 500 na kalahok ang mga ito kung saan tatlo dito ay unang beses na makikilahok sa naturang expo na kinabibilangan ng Bantog Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative sa Asingan, Bernal Bagoong mula Lingayen at JNS Fish Processing mula Urbiztondo.

Ilan sa mga produktong Pangasinan na itatampok ay carabao dairy and meat products, bagoong, processed hito and bangus products, chicken karaage at sugarcane vinegar.

Siniguro naman ni Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten na may kaukulang certifications at approval sa usaping paghahanda at kalidad ng produkto mula sa mga ahensya ng gobyerno na nagpapatunay na export standard ang mga produkto.

Kaugnay nito, dagdag ni Dalaten na nagpaabot ng suporta ang Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga bayarin ng mga lalahok maging pangangailangan sa logistics. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments