Hindi na palalawigin pa ang deadline ng Public Utility Vehicles (PUV) unit consolidation sa darating na December 31, 2023 alinsunod pa rin sa umiiral na PUV Modernization Program.
Sa lalawigan ng Pangasinan, nasa kabuuang porsyento na 90.57% o katumbas nito ang nasa 2, 256 na pampasaherong sasakyan sa Pangasinan ang consolidated habang nasa mahigit dalawang daan o 200 PUVs, katumbas nito ang 10% ay hindi pa na consolidate.
Kung hindi umabot ang mga ito sa huling araw PUV Consolidation deadline, maaaring hindi na mapayagan ang mga ito na magpatuloy sa pamamasada kaya’t patuloy na hinihikayat ang mga operators na wala pang sinasalihang kooperatiba na mapabilang na sa mga ito.
Samantala, kaugnay nito ang pagsasagawa ng ibang transport group sa bansa ng Nationwide Transport Strike o ang tigil pasada sa kanilang pagpapahayag ng kanilang mariing pagtutol sa modernization program. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments