
Cauayan City — Muling magbubukas ng public auction ang Bureau of Customs (BOC) para sa mga nasamsam na luxury vehicles na pagmamay-ari ng pamilyang Discaya sa darating na Miyerkules, ika-11 ng Pebrero 2026.
Ayon sa BOC, walong sasakyan ang isasailalim sa bidding bandang alas-10:00 ng umaga sa BOC office sa Port of Manila.
Kabilang sa mga ilalako ang isang blue Bugatti Chiron 2017 at isang red Bugatti Chiron 2019, na itinuturing na ilan sa mga pinakamahalagang unit sa auction.
Bubuksan naman para sa public viewing ang mga sasakyan mula Pebrero 5 hanggang 6, upang mabigyan ng pagkakataon ang mga interesadong bidder na personal na masuri ang kondisyon ng mga mga bawat sasakyan.
Ang nasabing auction ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng BOC na ipatupad ang batas laban sa smuggling at tiyakin ang transparency sa disposisyon ng mga nasamsam na ari-arian.
📸: Bureau of Customs PH/Facebook
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










