Wednesday, February 4, 2026

𝟭𝟭 𝗜𝗦𝗨 𝗖𝗔𝗠𝗣𝗨𝗦𝗘𝗦, 𝗠𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚𝗜𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗟𝗜𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗨𝗚𝗔𝗠𝗘𝗦 𝗔𝗧 𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗔𝗡𝗗 𝗧𝗛𝗘 𝗔𝗥𝗧𝗦 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟

Cauayan City – Tagisan ng talino, galing, at diskarte ang magsisilbing labanan ng mga delegado mula sa iba’t ibang campuses ng Isabela State University sa University Games at Culture and the Arts Festival.

Kabilang dito 11 campuses ng Isabela State University.

Sa panayam ng IFM News Team kay Freddie R. Cabrera, Director of Socio-Cultural Affairs, layunin ng aktibidad na ipakita ang yaman ng kultura, sports, at turismo ng rehiyon.

Ayon sa kanya, masusing pinaghandaan ang bawat event sa pamamagitan ng mga training upang matiyak ang kalidad ng mga pagtatanghal at kompetisyon.

Nagsagawa rin sila ng solidarity meeting kasama ang mga facilitators upang masiguro na malinaw sa lahat ng contingents at coaches ang mga alituntunin at mechanicsng socio-cultural competitions.

Ang mga magwawagi sa festival ay magsisilbing kinatawan ng ISU sa CAVRASUC 2026 Sports, Culture and the Arts Festival na papangunahan ng Nueva Vizcaya State University sa March 2–6, 2026.

Ang mananalo naman sa CAVRASUC ay magiging kinatawan ng Region 2 sa National Culture and the Arts Festival na gaganapin sa West Visayas State University.

Samantala, nakatakdang idaos sa Huwebes, February 5, 2026 ang grand coronation night ng Mr. and Ms. ISU na inaasahang magiging highlight of the year.

Nanawagan naman si Garcia sa mga delegates at coaches na pairalin ang sportsmanship at respeto sa buong tagal ng kompetisyon, anuman ang maging resulta.

—————————————

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments