𝟭𝟮 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗡𝗨𝗞𝗨𝗛𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗚𝗢𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗢

Patay matapos makuryente ang 12 anyos na estudyante mula Brgy. Doyong, San Carlos City habang kinukuha ang saranggola sa isang puno.

Ayon sa salaysay ng pinsan ng biktima na kasama nito ang mangyari ang insidente, naglalakad umano ang mga ito nang nagpasya ang biktima na kunin ang saranggola na naipit sa sanga ng isang puno. Aksidente nitong nahawakan ang live electric wire sa puno dahilan para mahulog ito.

Kasalukuyang nilalamayan ng nagdadalamhating pamilya ang biktima habang hinihintay rin ang pagsasagawa ng post-mortem examination sa katawan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments