Aabot sa 130 na kawani ng Dagupan City Police Station ang ipinakalat sa area of convergence ngayong araw ng Undas.
Ayon kay PLT. Jesus Gerald Manaois, ang Operations Officer ng DCPS, ang mga ito ay idineploy sa pitong sementeryo sa lungsod, terminals at kakalsadahan kasama na ang ilang ahensya ng gobyerno gaya ng Coast Guard, BFP at BJMP.
Mayroon ding 130 na force multipliers na katuwang ng pulisya sa seguridad ng publiko.
Dagdag ni Manaois, huwag nang dalhin ang mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo upang maiwasang maabala at makumpiska. Kahapon pa lamang ay itinayo na ang mga police assistance desk sa iba’t’-ibang lugar sa lungsod upang masiguro ang kaligtasan ng publiko. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments