𝟭𝟰𝟬 π—¦π—˜π—‘π—œπ—’π—₯ π—›π—œπ—šπ—› π—¦π—§π—¨π——π—˜π—‘π—§π—¦ π— π—¨π—Ÿπ—” π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘, π—¨π—‘π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗧𝗖𝗛 π—‘π—š π—‘π—”π—žπ—”π—£π—”π—šπ—§π—”π—£π—’π—¦ 𝗦𝗔 π—₯𝗒𝗔𝗗 π—¦π—”π—™π—˜π—§π—¬ 𝗖𝗒𝗨π—₯π—¦π—˜ π— π—¨π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π—Ÿπ—§π—’

Nasa 140 senior high school students mula sa Mangaldan National High School ang pioneer graduates sa ginanap na libreng theoretical driving course mula sa Land Transportation Office Ilocos Region.

Sa inter-agency cooperation sa pagitan ng LTO at DepEd Pangasinan II Division Office, naging posible ang proyektong “Safe Roads, Bright Futures: A Partnership for Road Safety” laan para sa mga Grades 10-12 students sa ika-apat, lima at anim na distrito ng Pangasinan.

Sa pamamagitan ng naturang proyekto, magbibigay kontribusyon ito upang mas maging ligtas ang kakalsadahan para sa mga kabataan sa Pangasinan.

Nakatakdang magtungo ang LTO sa ilan pang pamantasan ngayong Mayo, kabilang dito ang Manaoag National High School sa May 17-18, San Jacinto National High School sa 24-25, at sa San Fabian National High School naman sa May 31 hanggang June 1. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments