𝟭𝟰-𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢-𝟮

CAUAYAN CITY – Umabot sa kabuuang P14,205,732 ang halaga ng iligal na droga na nasabat ng Police Regional Office 02 sa isinagawang isang linggong operasyon na nagsimula noong July 27, 2024.

Sa 19 na ikinasang operasyon ng iba’t ibang istasyon ng pulisya sa ilalim ng PRO2, nasa 17 katao ang inaresto matapos na mahulog ang mga ito sa buy bust operations.

Umaabot naman sa 2,088.69 na gramo ng hinihinalang shabu at 22 gramo ng hinihinalang marijuana ang nasamsam ng mga operatiba mula sa mga drug personality na nadakip.


Kaugnay nito, nangako naman ang PRO2 sa pamumuno ni Regional Director Police Brigadier General Christopher Birung na kanilang ipagpapatuloy ang panghuhuli sa mga lumalabag sa batas lalo na ang mga taong patuloy na nagtutulak at gumagamit ng iligal na droga.

Facebook Comments