Inilunsad sa Dagupan City ang Tulong Eskwela Program (TEP) para sa mga Senior High School ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1.
Aabot sa humigit kumulang isang libong mag-aaral mula sa Mangaldan, San Fabian at Dagupan City ang tumanggap ng tig tatlong libong piso.
Isasagawa naman ang ikalawang bugso ng pamamahagi ng ayuda para sa mga mag-aaral ng natitirang bayan sa ikaapat na distrito.
Layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga mag-aaral sa pinansyal na suporta para sa kanilang edukasyon.
Ayon sa ilang mag-aaral na nakapanayam ng IFM Dagupan, malaking bagay ang kanilang natanggap na tulong dahil hindi na sila hihingi pa ng baon at ilang kailangan sa kanilang pag-aaral sa kanilang mga magulang.
Samantala, maliban sa mga mag-aaral nagpapatuloy ang pagtulong ng ahensya sa iba pang vulnerable sectors ng rehiyon upang maibsan ang kahirapan na nararanasan ng mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨