𝟭𝟱𝟬 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗘𝗡𝗜𝗣𝗜𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦𝗦 𝗖𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗖𝗔𝗡𝗖𝗘𝗥 𝗦𝗖𝗥𝗘𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚

150 kababaihan mula sa Pangasinan,edad 30-65, ang nabahagian ng libreng edukasyon at cervical cancer screening na ginanap sa inisyatibo ng Department of Health CHD 1 sa isang ospital sa Dagupan City.

Sa naturang aktibidad, ipinanood sa mga benepisyaryo ang panganib dulot ng cervical cancer, pag-iwas dito at kahalagahan ng early detection.

Bukod sa cervical cancer screening, isinagawa rin sa mga benepisyaryo ang clinical breast examination, risk assessment screening on diabetes mellitus, hypertension, HIV/AIDS testing, oral health check-up at family planning services.

Patuloy ang paalaka ng health authorities na magpakonsulta nang mas maaga sapagkat malaking tulong ang early detection sa paggamot ng naturang sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments