𝟭𝟱 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗔𝗖𝗜𝗡𝗧𝗢, 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔

Dumulog sa himpilan ng pulisya ang Isang ama sa bayan ng San Jacinto dahil ilang araw nang hindi nakakauwi sa kanilang tahanan ang kaniyang anak.

Ayon sa salaysay nito, hindi pa nakakauwi simula noong Sept. 23, 2024 ang kanyang anak na si Jasmin Doculan, 15 anyos, Grade 10 student ng Lobong National High School.

Aniya, pumasok si Jasmin ng alas sais ng umaga ng Sept. 23 bagamat hindi pa nakakauwi hanggang nitong September 26 kaya inireport na ito sa pulisya.

Ang babae ay may mahabang itim na buhok, nasa 5’0 ft ang tangkad, nakasuot ng asul na pantalon at puting t-shirt. Sakaling may makakita rito, mangyari lamang tumawag sa numerong 09651193894,0906-525-9725/0998-598-5126 upang maipagbigay-alam sa awtoridad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments