CAUAYAN CITY- Nakaaresto ng 15 katao ang PNP Nueva Vizcaya para sa buwan ng Mayo hanggang Hulyo taong kasalukuyan.
Ito ang inihayag ni Provincial Operations & Management Unit Chief Police Colonel Ferdinand Laudencia kung saan 124 na anti-illegal drug operations ang kanilang naisagawa.
Nasamsam naman sa mga naarestong indibidwal ang kabuuang 62.89 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P427,652 at 695.09 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P83,410.44.
Samantala, nahaharap naman ang labing limang (15) suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Facebook Comments