𝟭𝟲𝟳𝗞 𝗡𝗔 𝗕𝗢𝗧𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

167, 000, yan ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa Pangasinan na inalis na sa official list ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.

Ayon kay COMELEC Provincial Election Supervisor Attorney Marino Salas, ilan sa mga inalis ay nagtransfer, bigong makaboto ng dalawang magkasunod na pagkakataon tuwing eleksyon at namatay na.

Iniulat din ng tanggapan na nasa 97,000 ang bagong nadagdag na botante ngayong taon nang simulan ang voter registration noong Pebrero.

Sa kasalukuyan nasa higit 2.1 milyon na ang botante sa probinsya na nakatakdang madagdagan dahil sa isasagawang Election Registration board sa susunod na lingo.
Magtatagal ang voter registration hanggang September 30.

Panawagan ng COMELEC Pangasinan, huwag nang hintayin ang huling araw ng registration, magparehistro nang maaga para makaboto sa National and Local Elections sa susunod na taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments