𝟭𝟳𝟵 𝗕𝗟𝗢𝗢𝗗 𝗕𝗔𝗚𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗢𝗟𝗘𝗞𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗢𝗕𝗜𝗟𝗘 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Umabot sa 179 na unit ng dugo ang nakolekta sa dalawang magkasunod na mobile blood donation drive sa bayan ng Aringay at San Juan, La Union.

Nakiisa ang mga residente, government agencies at non- government agencies sa nasabing aktibidad.

Pinangunahan ng National Voluntary Blood Services Program ng Center for Health Development Region 1 ang aktibidad na may layong makalikom ng suplay ng dugo at matugunan ang posibleng pagtaas ng demand sa dugo dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue dulot ng sunod-sunod na bagyo.

Base sa talaan na inilabas ng Department of Health Ilocos Region, pumalo na sa 10,604 ang naitalang kaso ng dengue mas mataas ng 72 porsyento kaysa noong nakaraang taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments