𝟭𝟳-𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗟𝗜𝗟𝗜𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚

Masaya pa nang nagtungo ang sampung magkakaibigan na maligo sa isang ilog sa bayan ng Calasiao ngunit sa hindi inaasahan, naaksidente ang isa nilang kasamahan.
Sa ibinahaging impormasyon ng Philippine Coast Guard Pangasinan at PNP Calasiao sa IFM News Dagupan, nagkayayaan ang sampung magkakaibigan na maligo sa Sinucalan River hapon nitong ika-17 ng Nobyembre ngunit nang mapunta sa malalim na bahagi ang isang 17-taong gulang na binatilyong residente ng Brgy. Quesban sa bayan ay tinangay na ito malakas na current ng tubig pailalim at hindi na nakita pa sa araw na iyon.
Bago pa man umano malunod ang binata, nakita pa ito ng mga residente na nahihirapan sa kanyang paglangoy dahil ayon pa sa impormasyon, hindi ito marunong lumangoy.

Samantala, nitong ika-19 ng Nobyembre, nakita ang palutang-lutang na katawan ng binata sa bahagi ng nasabing ilog sa Brgy. Malued, sa Dagupan City.
Agad naman itong ipinagbigay alam sa awtoridad ng mga saksi at isinagawa pagrekober sa katawan ng biktima.
Sa ngayon pinaglalamayan na ang na-cremate na labi ng binata sa bayan ng Calasiao. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments