𝟭𝟴 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

CAUAYAN CITY – Labing-limang (15) anti-illegal drug buy-bust operation ang ikinasa ng kapulisan ng Isabela para sa buwan ng Mayo.

Sa inilabas na accomplishment ng PNP Isabela, labing-walong (18) katao ang kanilang nadakip sa nasabing operasyon.

Samantala, umabot naman sa kabuuang 31.27 grams ang nakumpiskang shabu habang 2352.18 grams naman ang kabuuang nakumpiska na marijuana.


Patuloy pa rin ang pagsugpo ng kapulisan at pagpapaigting ng kanilang kampanya laban sa mga ilegal na droga.

Facebook Comments