Tuesday, February 17, 2026

𝟭-π—žπ—œπ—Ÿπ—’π— π—˜π—§π—₯π—’π—‘π—š π—ͺπ—”π—§π—˜π—₯ π—¦π—¬π—¦π—§π—˜π—  π—˜π—«π—§π—˜π—‘π—¦π—œπ—’π—‘, π—œπ—žπ—œπ—‘π—”π—•π—œπ—§ 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—€π—¨π—˜π—­π—’π—‘, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”

β€ŽCauayan City – Isinagawang Pamahalaang Bayan ng Quezon, Isabela ang paglalagay ng 1-kilometrong water system extension sa Purok 7, Barangay Minagbag.

β€ŽBahagi ito ng programa ng lokal na pamahalaan upang mas mapalawak ang serbisyong patubig sa mga residente.

β€ŽSa pamamagitan ng proyekto, inaasahang madaragdagan ang mga kabahayang magkakaroon ng akses sa malinis at ligtas na inuming tubig.

β€ŽLayunin din nitong matiyak ang sapat na suplay na makatutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan ng komunidad.

β€ŽBinigyang-diin ng pamahalaan na ang maayos na water system ay mahalaga sa pagpapanatili ng kalinisan, maayos na sanitation, at mabuting kalusugan ng mamamayan.

β€ŽAng inisyatibang ito ay patunay ng patuloy na pagkilos ng lokal na pamahalaan upang palakasin ang pangunahing serbisyo publiko at isulong ang mas maunlad na Quezon, Isabela.

β€ŽSOURCE: LGU QUEZON, ISABELA
————————————–

β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.

β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments