Target ngayon ng Department of Health – Center for Health Development in Ilocos Region (DOH-CHD – 1) ang isang porsyento ng populasyon sa kalakhang Ilocos region sa isasagawang blood donation drive nito upang mapunan ang suplay ng dugo sa mga pampublikong ospital.
Sa naging forum ng DOH-CHD – 1, ayon kay national voluntary blood service program coordinator na si Mauro Marzan, balak ng DOH-CHD-1 na magsagawa ng blood donation drive sa bawat bayan at barangay ng rehiyon.
Dagdag pa niya ang isasagawang blood donation drive ay bahagi ng National Blood Donor Month ngayong buwan upang ipaalam at mapalaganap ang importansya ng pagbabahagi ng dugo para madugtungan ang buhay ng mga nangangailangan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments