𝟭.𝟯𝗕 𝗕𝗨𝗗𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗕𝗠

Operative na ang halagang 1.3B pesos na budget ng Dagupan City ayon mismo sa Department of Budget and Management (DBM) matapos itong ireview ng ahensya kasunod ng pagkakaaproba nito sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan noong Sept. 26 ngayong taon.
Matatandaan na naging malaking isyu ang pag-aapruba ng budget ng lungsod dahilan upang mabinbin ito ng ilang buwan.
Kabilang sa mga may pinakamalaking pondo ang sektor ng edukasyon kung saan tinututukan ang patuloy na pagtaguyod ng Scholarship Program na may layong matulungan ang target na 5000 na mga Kabataang Dagupeno.

Inaasahan ng parehong LGU Dagupan at mga residente ng lungsod na magtutuloy tuloy na ang mga programa at proyektong inihanda para mapakinabangan ng mga Dagupenos ngayong funded na ang mga ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments