𝟭.𝟯 π— π—œπ—Ÿπ—¬π—’π—‘π—š π—£π—œπ—¦π—’π—‘π—š π—›π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—‘π—š 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨, π—žπ—¨π— π—£π—œπ—¦π—žπ—”π——π—’ 𝗦𝗔 π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š π—›π—œπ—šπ—› π—©π—”π—Ÿπ—¨π—˜ 𝗧𝗔π—₯π—šπ—˜π—§ 𝗦𝗔 π—•π—œπ—‘π— π—”π—Ÿπ—˜π—¬

Umaabot sa mahigit 1.3 milyong piso ang halaga ng shabu na nakumpiska sa dalawang high value target sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Binmaley.

Kinilala ang mga suspek na sina Herodutus Marques at Joseph Tadeo.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas kwatro kahapon na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga ito ng tatlong knot tied ice bag at apat na sachet nito na tumitimbang ng humigit kumulang dalawang Daang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng β‚±1,360 000.00.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng iFM News Dagupan Kay PDEA Pangasinan Provincial Officer Rechie Camacho, matagal din umanong binantayan ang galaw ng mga suspek bago ikinasa ang nasabing buy bust operation kahapon na nagresulta sa pagkakakumpiska sa nasabing halaga ng shabu. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments