
โ
โCauayan City – Isinagawa ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company (2nd IPMFC) ang Serbisyong MAKABARYO sa bayan ng Jones, Isabela bilang bahagi ng kanilang Community Outreach Program para sa mga mamamayan.
โ
โPinangunahan ang aktibidad ni Police Major George Maribbay, Acting Force Commander ng 2nd IPMFC, katuwang ang Philippine Army, Philippine National Anti-Crime Group, Jones Police Station, at mga opisyal ng barangay bilang suporta sa pagpapatibay ng Police-Community Relations.
โ
โHumigit-kumulang pitumpung residente ang nakinabang sa libreng gupit, feeding program, pamamahagi ng damit at food packs, pati na rin sa tree planting activity bilang pagpapakita ng malasakit sa kalikasan.
โ
โNagpasalamat naman si Punong Barangay Agustin Labugin sa mga katuwang na ahensya, habang tiniyak ni PMAJ Maribbay ang patuloy na pagpapatupad ng mga programang naglalayong mailapit ang serbisyo at malasakit ng kapulisan sa komunidad.
โ
โSource: SecondIsabela Pmfc










