Cauayan City – Muling nagtipon-tipon ang mga youth leaders at youth development workers mula sa lalawigan ng Isabela sa isinagawang Joint 2nd Regular Quarterly Meeting ngayong buwan ng Hulyo.
Naganap ang naturang pagpupulong sa GFNDy Sr. Session Hall na pinangunahan ni Sangguniang Kabataan Provincial Federation President Hon. Catherine Joy Legazpi.
Kabilang sa mga tinalakay ay ukol sa NYC Resolution No. 28, Ad Referendum Series of 2023 o ang “A Resolution Approving the Amendments to to Certain Provisions on the Guidelines on LYDP, CBYDP, and the ABYIP”, at maging ng R.A 11313 o ang Safe Spaces Act of 2019.
Bukod pa rito, napag-usapan din ang mga aktibidad na isasagawa sa pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan 2024, at International Youth Day Celebrations, maging ang mga naging accomplishments ng Provincial Youth Development Office ngayong 2nd Quarter ng taon.
Kabilang sa mga nakilahok ay ang Sangguniang Kabataan Federation Presidents, Isabela League of Local Youth Development Officers, NAGKAISA-Provincial Youth Development Council, at mula sa Youth Organization Registration Program.