Sa puspusang pagpapaalala ng mga awtoridad sa publiko ukol sa pag-iingat sa mga paputok ay mayroon pa ring mga naitatalang mga kaso ng fireworks-related injuries (FWRI)ย sa lalawigan ng Pangasinan.
Base sa nakuhang datos ng IFM News Dagupan sa Hospital Epidemiology Center (HEC) sa Region 1 Medical Center as of January 1, 2024, mayroon ng dalawampu (20) na ang naitalalang kaso ng FWRI sa pagsalubong sa bagong taon.
Sa datos, mayroon nang sampu (10) ang naitala ngunit nitong ika-31 ng Disyembre hanggang Enero 1, 2024 may karagdagang sampung katao ang dumagdag sa listahan.
Kung saan may isang 14-anyos na binatilyo sa Barangay Caranglaan na biktima ng 5- Star; isang 43-anyos na lalaki sa Barangay Pantal na biktima naman Pla-pla; tig-isa naman sa Barangay Poblacion Oeste at Poblacion Este na parehong biktima ng bawang; isang babae na taga-Bolinao ang naputukan ng kwitis; isang lalaki din mula sa Barangay Nilombot, Mapandan ang biktima ng dark bomb; isang lalaki naman sa Barangay Taloy, Malasiqui na naputukan ng kwitis at mula sa Lungsod ng San Carlos din ang naputukan ng kwitis.
Samantala nakapagtala ang hospital ng kaso ng stray bullet kung saan dalawa ang biktima rito mula sa bayan ng San Fabian.
Dagdag pa ng HEC, ang ilan ay nakauwi na at ang iba naman ay nananatili pa sa hospital para sa medikal na atensyon.
Naka-full alert pa ang hospital sa posibleng pagkakaroon pa ng kaso ng FWRI gayong marami pa rin ang nagpapaputok hanggang sa mga oras na ito. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ