𝟮𝟮 𝗔𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗩𝗜𝗗𝟭𝟵 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗛𝗢

Nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ng aktibong kaso ng COVID19 sa lalawigan ng Pangasinan.

Base sa ibinahaging datos ng PHO sa IFM Dagupan, as of December 20, 2023 nasa 22 aktibong kaso ang mayroon sa lalawigan.

Ang nabanggit na bilang ay kasalukuyang nagpapagaling sa mga LGU Isolation Facility maging sa mga pribado at pampublikong hospital sa lalawigan.

Samantala, nitong nakalipas na linggo, mula ika-14 hanggang ika-20 ng Disyembre ay nasa tatlo ang daily average cases ng sakit ang naitatala.

Sa ngayon, binabantayan ng PHO ang mga lugar ng Bugallon at Malasiqui dahil sila ay may pinakamaraming kaso, gayundin ang lungsod ng Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments