Idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan ang panibagong 24 na mga barangay sa lalawigan bilang drug-free.
Sa pangunguna ni PDEA Pangasinan Director Retchie Camacho, 1,181 na mga barangay na ang idineklarang drug free sa lalawigan mula sa 1,272, o mahigit 90% na mga barangay na apektado diumano ng ilegal na droga.
Ilan sa mga barangay na ideneklarang drug-free, ay mula sa Batang, Infanta; Balacag at Bantugan sa Pozzorubio; Casantamaria-an, Mantacdang, at Poblacion Zone II sa San Quintin; at Bisal, Bucao, Calaocan, Licsi, Lipit Sur, Oraan East, Oraan West, Pantal, Santa Ines, Sapang, Tebuel, at Lelemaan sa Manaoag.
Ayon pa sa datos, kabilang din ang ilang barangay sa lungsod ng San Carlos ang mga barangay ng Abanon, Guelew, Metizo Norte, Pagal, San Juan, at Supo sa mga ginawaran ng drug clear status.
Samantala, patuloy ang paghihikayat ng PDEA sa mga lokalidad na ipagpatuloy at panatilihin ang pagiging drug free ng kanilang mga barangay.
Sa ngayon, 30 mula sa 43 mga apektadong bayan sa lalawigan ang naideklara ng drug free. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨