Magsisimula nang ipamahagi sa 25,000 pamilya mula sa Bugallon ang economic relief assistance at relief goods sa susunod na linggo.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay MSWDO Officer Archie Castillo, inilahad nito na lahat umano ng pamilya sa bawat barangay ay makakatanggap kahit hindi apektado ng bagyo bukod pa sa relief goods na manggagaling sa lokal na pamahalaan.
Samantala, anim na low-lying barangays na kinabibilangan ng Magtaking, Umanday,Cabayaoasan, Pantal,Portic at Hacienda ang naapektuhan ng pagbaha dulot ng malakas na pag-uulan.
Umabot sa 17 pamilya ang namalagi sa Municipal Evacuation Canter kahapon habang 40 pamilya sa Brgy. Portic at apat na pamilya mula sa Brgy. Hacienda ang namalagi sa mga barangay evacuation centers.
Tiniyak naman ng tanggapan na may abiso mula sa ocular monitoring ng MDRRMO ang mga lugar na uuwian ng mga evacuees bago bumalik sa kanilang tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨