Nasa dalawampu’t-anim na mga aspirante sa lungsod ng Dagupan ang nakapaghain ng kandidatura para sa midterm elections sa darating na May 2025.
Magkakatunggali para sa pagka alkalde si incumbent Mayor Belen Fernandez at incumbent councilor Manang Celia Lim habang si incumbent Vice-Mayor Brian Kua at Former Mayor Brian Lim naman sa pagkabise-alkalde.
Nasa dalawampu ang naghain para sa pagkakonsehal kung saan dalawa rito ang tumatakbo bilang independent candidate.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Dagupan COMELEC Election Supervisor Atty. Michael Frank Sarmiento, naging matiwasay at walang naitalang untoward incident kaugnay sa COC filing. Samantala, magiging abala na rin ang pamunuan ng COMELEC para sa mga susunod na nakalinyang aktibidad alinsunod pa rin sa magaganap na eleksyon. |๐๐๐ข๐ฃ๐๐ฌ๐จ