CAUAYAN CITY – Nakatakdang sumailalim sa euthanasia sa darating na buwan ng Mayo ang isang 28-anyos na babaeng dumaranas ng depresyon sa Netherlands.
Ayon sa report, nakakuha na ng approval si Zoraya ter Beek upang sumailalim sa naturang medical procedure na kilala rin sa tawag na voluntary death o assisted suicide.
Bagama’t physically healthy, si Zoraya ay nahihirapan sa kanyang kondisyong autism, depression, at borderline personality disorder.
Sinubukan umanong mag patingin ni Zoraya sa psychiatrist subalit, kahit ang mga ito ay sumuko sa kanya at sinabing wala na silang kayang gawin upang mapabuti ang kanyang kaso.
Dahil dito, nag request si Zoraya ng euthanasia at makalipas ang ilang pagsusuri, inaprubahan ang kanyang kahilingan.
Naging legal ang euthansia sa bansang Netherlands noong 2001 at sa Belgium noong 2002.