𝟮𝟵 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗦𝗜𝗡𝗜𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗢-𝗜𝗣𝗢

Aabot sa 29 na kabahayan ang nasira sa bayan ng Urbiztondo at Basista matapos manalasa ang ipo-ipo.

Nagliparang mga yero, nagtumbahang mga puno at kuliglig at halos gumuhong piggery ang naiwang pinsala sa mga residente ng Barangay Bayoyong, Basista at Brgy Pasibi East, Urbiztondo.

Ayon sa tala ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), umabot sa dalawampu’t-anim na bahay ang nasira sa Bayoyong habang nakapagtala rin ng tatlong bahay sa Brgy Pasibi East.

Nauna nang binisita ng mga lokal na pamahalaan ng Basista at Urbiztondo ang mga biktima ng ipo-ipo at nahatiran ng cash assistance at relief goods.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa insidente maliban sa mga nasirang kabahayan na iniwan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments